Isang 7-taong gulang na batang babae ang kinidnap sa tapat ng pinapasukang eskwelahan nito sa BF Homes Subdivision, Barangay Holy Spirit, Quezon City pasado alas-7:00 Martes ng umaga.
Ayon kay PO3 Edilberto Vargas ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6, nakasakay sa dalawang gray na Toyota Vios ang mga dumukot sa bata na kinilala lamang sa pangalang “Ashley” sa tapat ng School of the Holy Spirit.
Sa follow up operation, nasabat ng mga awtoridad ang isang Vios na sinasakyan ng suspek na si Guillermo Garcia pero wala roon ang bata.
Narekober sa kotse ang iba’t ibang uri ng communication gadgets, mga ID cards, telescope, mapa ng Barangay Holy Spirit at ilang dolyar.
Kaugnay nito, lumalalim ang mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad sa pagdukot.
Kabilang dito ang away sa kustodiya sa pagitan ng mga magulang ng batang anak ng isang negosyanteng Amerikano na si Anthony Ricks at Pinay na ina.
Inaalam din kung may kinalaman sa pulitika ang insidente matapos mapag-alamang apo ang bata ni dating Abra Congresswoman Cecilia Luna na muli namang sasabak sa eleksyon sa susunod na taon.
Binabanggit ng mga otoridad na nasa kustodiya ng pamilya ng ina na si Rochelle Luna ang bata at nauwi sa demandahan ang pag-aagawan dito. Report from Zhander Cayabyab, Radyo Patrol & Henry Atuelan, Radyo Patrol 44
Related Story: American, 4 others face kidnap raps in QC
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Batang_apo_umano_ng_isang_dating_kongresista,_dinukot_sa_QC_.html#.UDzqGxfVXss.facebook
heto na naman, putting all in politics,.. Oh my Lord, please save us in ABRA, help us Lord, Spare us Lord,..
Kung ayaw ho nilang tumigil, you better, kill the sense of politics., pakitanggal na din sa dictionary ang word na “POLITICS” o “PULITIKA” at ng tuliyan na ring magunaw sa mundong ito ang pulitika sa Abra.
DINUKOT NG SARILING AMA
ALL OKAY! Exaggerated ka naman…hindi naman kasing-sama ang mga politicians dito sa Abra para idamay nila ang mga walang muwang na nilalang. I am sure naman kahit gaano pa kasama ang isang pulitiko dito sa atin hindi nila idadamay ang mga ganyang bata. alam ko may puso parin sila….Let us not give comments nga provoking…
A lot of interesting issues in abra to be discussed with. Lets over da bakod. Family problem nila yan.